Nababahiran
na ng dugo ang langit;
Animo’y
nakikidalamhati sa akin.
At sa
ilang saglit lahat ay didilim,
Lalabas
ang mga lampara at bituin.
Ako’y
naghihintay habang gumuguni
Sa
araw na tila laging lumulubog.
Hindi
pa ba ito nasikat sa aking paningin,
Lumiliwanag
lang sa aking pagtulog?
Oh
Araw, bakit hindi pa sa oras mo
Kumikilos
ang lalaking umiibig?
Bagkos
sa dilim lang sumesenyas,
Walang
kimi ngunit nananalig.
Nakatataba
man ng puso
Ang
pagsinta sa liham, tula at harana,
Ngunit
wala akong mahihinuha
Sa
bulag na pag-ibig ng isang makata.
Mga
kilos mo ang aking kailangan
At
hindi ang mga bulaklak sa iyong bibig.
Kamay,
paa, katawan ng lalaki –
Ang
kayumanging kaligatan – ang aking iniibig.
Ipakita
mo sa akin, gamit ng iyong gawa,
Ang
dugong nananalaytay sa pagnanais
Sa
pag-ibig at kalayaan ng aking puso
‘Pagkat
ang panahon ay mapagmalabis.
Hindi
lingid sa isip ko
Karahasan
ng aking sasabihin:
Puso’y
hindi sa akin para ibigay,
Ngunit
sa inyo na angkinin.
Oh Haring
Gabi, ‘wag ka pang dumating!
Ninanais
ko pa ang araw.
Hintayin
pa ang pulang belo na maglaho
Bago
ikaw tuluyang dumalaw.
(1:12
PM, 02/26/12, Computer Room of the House)
Hello! I shall post a translation of this soon! :)(Image Source)
0 comments:
Post a Comment